Bob Ong Guestbook

Please sign my Guestbook!

  First
  Prev
  Sign
  Home
Next  
Last  
Viewing Page 1 of 5 (Total Entries: 96)
October 3rd 2026
04:23:52 AM
Pangalan:  

Maverick

Lugar:  

Bulacan / Rizal

Mensahe:  

Book report



Year 2003, 2nd year high school ako nun and kailangan na gumawa ng book report, by partner daw para di mahirapan. Ka-partner ko si Daryl, tropa ko na seaman na ngayon. Nung panahong yun, nasa laylayan lang kami ng academic ladder, laman ng guidance at patawag ng magulang; pero mabait naman kami.


Book report na, so pipili kami ng libro na gagawan ng report. As usual, may mga Lualhati Bautista saka Ang Tondo Man May Langit Din. Pero etong si Daryl may dalang unsual na libro; ABNKKBSNPLKo?!. Sabi ko “pota ano yan?! Baka di tayo maapprove jan?!”. Sabi niya is nakita niya lang sa bahay nila yan, kesa bumili pa ng libro eh yan na lang. Pinaapprove muna namin, sabi ng teacher namin is baka puro kalokohan lang laman neto pero i-approve ko na; nakatipid kami ni Daryl.



Binasa ko yung libro, putangina hanggang ngayon naalala ko pa rin yung pakiramdam nung unang binasa ko yun. Yung pakiramdam na di ka nag iisa sa mga dinanas mo, mga nakakatawa o nakakaurat man na karanasan, na akala mo ikaw lang ang meron, di pala; merong isang tao na nauna pa sayo at may lakas ng loob na ibenta ito sa mga bata. Yung pakiramdam na may representative kayo sa hanay ng mga taong pinagaaralan ang mga sinulat; big deal na yun sa trese anyos na akala niya patapon na buhay niya.



Sa sobrang tuwa ko ay sinalo ko na yung book report. Sabi ko kay Daryl ako na bahala kasi alam ko na isasagot ko sa mga tanong. Medyo duda lang si gago pero napaniwala ko naman. Habang tinitingnan ko yung mga tanong, alam ko na mga sagot at alam ko na mataas grade namin pero di grade habol ko, gusto ko lang bigyan ng magandang husga yung libro dahil iniba nito persepsyon ko sa paligid ko.



Ayun pinasa na namin. Mga tatlong araw din kaming naghintay ni Daryl, sabi ko “Mahina 85% jan kaya wag magaalala. Saka galling sa puso yun, pag nabasa ni Ser Sonny yun matik pasado tayo, don\'t wori”.



Ayun, 75% lang nakuha namin.

   
October 2nd 2026
08:31:04 PM
Pangalan:  

RosanaRoces

Lugar:  

Cainta

Mensahe:  

Hi Sir!

Nakakatuwa naman po ang inyong pagbabalik. Alala ko dati, dahil sa green book po ninyo, na-inspire ako kumuha bs education. Alam nyo na pag HS, kaliwa\'t kanan mga ganap na entrance exams para sa college. Natanggap naman ako sa BS Educ, kaso hindi ako pinatuloy ng nanay ko kasi maikli daw pasensya ko. HAHA. Ending ibang course kinuha ko.. pero natapos ko naman.


Pero after 2 years of working, nagchange ako ng career. Napunta pa rin ako sa academe. HAHA. Ang galing lang.


Sana unti-unti ko maibalik ang pagbabasa at the same time pagsusulat. Ang hirap pala pag pag adult at lalo na pag magulang ka, mag-iiba na priorities.


More powers sir!

   
October 2nd 2026
03:22:45 PM
Pangalan:  

sanatozaki

Lugar:  

Pampanga

Mensahe:  

Salamat sa ABNKKBSNPLAko, isa sa mga akdang bumuo ng HS life ko. At salamat po sa Bakit Baliktad Magbasa ang mga Pilipino, na isa sa mga nagmulat sa akin sa pulitika. Mabuhay po kayo! Sana po magprint po kayo ulit ng mga libro niyo, kaya ko nang bumili huhuhu.

   
October 2nd 2026
10:02:06 AM
Pangalan:  

Reykjavik Monten*gro

Lugar:  

Luzon Ave.

Mensahe:  

Di ko alam sasabihin ko. Laking pasalamat ko sa classmate ko nung Grade 4 ako na pinahiram nya ako ng ABNKKBSNPLAko?! kaya eto ako ngayon, nahilig sa pagbabasa ng iba\'t ibang akda. Kumpleto ko padin yung Bob Ong books ko. Salamat at hindi binaha. Hiling ko balang araw hindi na baliktad magbasa ang mga Pilipino.

   
October 2nd 2026
08:41:35 AM
Pangalan:  

KamoteKid

Lugar:  

Paanan ng Sierra Madre

Mensahe:  

Natuklasan kita noong 2009. Hindi ako tambay sa forum kasi wala kaming internet dati. Wala rin akong pangtambay sa kompyuter shop. HAHAHA Pero isa akong bobong mambabasa na naitawid ang kaadikan sa\'yo noong kolehiyo sa pamamagitan ng panghihiram. Mabuti na lang merong nanliligaw sa tropa ko na mahilig din magbasa ng mga libro mo.

Noong nagkatrabaho ako, unti unti kong binili ang mga librong \'yon kasama na rin ang mga bagong na ilathala mo. Kulang pa ang koleksyon ngayon pero malapit ko nang mabuo. 😁

Andito lang talaga ako para sabihing, \"Welcome back master! Salamat at binusog mo ang isip at imahinasyon ko. Hanggang ngayon, naiisip ko pa ring may kapa ang mga salita kapag nilalagyan ng Super sa simula.\" 😂

   
October 2nd 2026
12:42:20 AM
Pangalan:  

crispin jose bajeta jr

Lugar:  

minsan sa batangas, napapad sa maynila, madalas sa kapehan nagpapanggap na mayaman

Mensahe:  

isa ako sa mga fresh mong fan.

totoo \'yan, nitong hs ako (2016ish) nagsimulang basahin ang mga akda mo. Stainless Longganisa ang para sa akin e fave ko. Dahil tulad mo, pangarap kong maging writer. (Wow, writer, ano \'yon?)

Pwera biro. Malaking bahagi ng buhay-manunulat ko e masasabi kong may impluwensiya ka. Siguro, may pagkakaparehas tayo ng inuupakang mansanas kaya ganon. Bitbit ko ang mga salita at payo mo ngayong unti-unti akong pumapasok sa literary scene at media landscape sa Pilipinas. Nagtapos na ako ng kolehiyo ngayong taon. Medyo malapit naman sa kurso ko sbg pagiging writer kaya oks lang din.

Sabi mo noon, ang manunulat ang nagbibigay ng inspirasyon at hindi naghahanap (sinabi mo to sa Youtube, tanda ko \'yan, dahil pinapanood ko yung video everytime na sasabak ako sa RHEPC, LHEPC, at SPAM). Masasabi kong nagtagumpay ka sa parteng yon kase binigyan mo ako ng inspirasyon bilang isang bata ay fresh na fresh na writer. Siguro, panahon na para ako naman ang magbigay ng inspirasyon

Salamat pre, bro, day one, ako naman : )

P.S. Di ko sisipain ang nakakandadong pinto, marunong akong mag lock pick

   
October 1st 2026
07:29:28 PM
Pangalan:  

Kapumax

Lugar:  

Kalakhang maynila

Mensahe:  

Sana magprint ulit publisher nyo ng alamat ng gubat and other books nyo,yung mga second hand books nyo kasi na nasa kamay ng scalpers nasa 1k pesos pataas na ang price e

   
October 1st 2026
07:26:38 PM
Pangalan:  

Beni

Lugar:  

Sa dulo ng walang hanggan(g traffic), Fairview

Mensahe:  

Hello po.

Gusto ko lamang ipaalam na umikot sa mga kaibigan ko ang kopya ko ng Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan netong nakaraang buwan. Pagkatapos magbasa nong huling nakahawak ng libro ko, para kaming minalas lahat na nakapagbasa at ang daming aberyang nangyari...binasa kase nila pati yung dulo eh! Oops.

Sa mga nandito, at (baka lang naman) hindi pa nababasa yung libro na yan, basahin nyo na, sakto para sa buwan na ito...hehe

   
October 1st 2026
07:22:57 PM
Pangalan:  

Anne Ganda

Lugar:  

Makati

Mensahe:  

Hello, sir! Matagal mo na po akong tagahanga. Nabasa ko po lahat ng libro ninyo. Napanuod ko rin ang mga adaptation ng ABNKKBSNPLAko?! At Ang mga Kaibigan ni Mama Susan. Pinakapaborito kong libro na isinulat mo ang Kapitan Sino, Ang Paboritong Libro ni Hudas, at Si. Pinakaunang libro mo na nabasa ko ay ang MACARTHUR nung ako ay hayskul. Grabe, sobrang Nostalgic. Binabasa kong muli ang huling librong isinulat mo— ang 56. Walang tapon sa mga libro mo, Sir. Nainspire din ako sa dati kong guro na magbasa ng Literaturang Pilipino. Hanggang sa nagkaroon na ako ng mga isinusulat na akda ngunit sadyang hindi ko ito natatapos. Hay! Magkaroon po sana kayo sir ng panibagong libro. Marami po kaming naghihintay sa inyo—mga batang 90s na pinalaki ni Bob Ong!

   
October 1st 2026
06:12:43 PM
Pangalan:  

Titser Reena

Lugar:  

CALABARZON sa habang panahon!

Mensahe:  

Naaalala ko pa high school palang ako (2009-2012) nang una kong mabasa ang mga gawa ni ser Bob Ong. Nagsimula sa Alamat ng Gubat na sobrang astig, hanggang sa MacArthur, AbaNkkbsnplAko..., at iba pa. Pero lahat yon hiram lang. Kasi wala akong pambili (kulang pa ang baon pambili ng cream-o sa canteen at naglalakad pa pauwi. Ahh, those were the dayss) Nagkaroon lang ako ng sariling kopya ng mga libro nung college na ako at nung nagkatrabaho. Syempre, may konting extra na. Nabibili ko na rin ang mga bagong gawa nya. At from time to time, at least every year, ay binabasa ko pa rin nang paulit ulit ang mga aklat nya. Walang kupas!


Ngayon ay mag-iisang dekada na akong guro (kahit labag sa kalooban ang desisyon pero sabi nga ng tatay ko, \"stable\" job daw kasi ito) at ang major ko ay English. Pero dahil nasa Pilipinas tayo, kung saan may \"shortage\" ang lahat ng sektor ng lipunan tulad ng edukasyon, matic yan, kulang sa guro. Sa Pilipinas kapag titser ka, dapat adaptable ka. Yan naman ang laging sinasabi ng mga diyos-diyosang nasa mataas na posisyon ng kagawaran. At yun na nga, bukod sa sandamakmak na responsibilidad na labas sa pagtuturo pero pinapasa sa mga guro, nagkaroon din ako ng pagkakataon na magturo ng asignaturang Filipino.


Noong una, nakakainis syempre. Dagdag trabaho, dagdag lesson preparation. At dahil hindi ko major, kailangan kong aralin bago ako humarap sa mga bata (JHS nga pala ang handle ko, at sa halos 1 dekada ay naturuan na ang lahat ng grade level, mula 7 hanggang 10. Side note: sa mga panahong kulang na kulang ang guro, nakapagturo na rin ako ng Science, Araling Panlipunan, halos lahat na yata, except Math. Kung pinaturo sakin yan, baka nagresign nalang ako haha.)


Sa paglipas ng ilang taon, natutuhan ko ring mahalin ang Filipino subject at ienjoy ang pagtuturo nito. Narealize ko, pwede ko ring gamitin dito ang pagiging bookworm ko. It\'s an advantage, actually. So every time na magbabago ang curriculum (nakailang pagbabago na nga ba? Di na mabilang), kapag inaaral ko na at pinaplano ang mga araling ituturo, sinisiguro ko na kung applicable ay gagamit ako ng mga paborito kong aklat bilang pangturo ng panitikan. Kapag ang aralin ay tungkol sa pagsusuri ng mga akda, ginagamit ko ang mga libro ni Bob Ong. Alamat ng Gubat ang masasabi kong naging paborito na yata ng mga estudyante ko. Tawang tawa at enjoy na enjoy sila kahit na yung ibang pop culture reference ay di nila gets. At kapag panahon na ng talakayan at pagsusuri, nakakaproud bilang guro na masaksihan kung paano nila nairerelate sa kasalukuyang panahon ang mga isyu sa libro. At kung paano naaantig ang iba\'t ibang emosyon nila habang nagbabasa.


Sobrang relevant pa rin talaga ng mga aklat ni Idol. Amazing, oo. Pero nakakalungkot at nakakagalit din na hanggang sa ngayon ay iyon at iyon pa rin ang mga isyung kinakaharap at nagpapahirap sa mga Pilipino. Bilang guro, sana sa munting paraang ito, kahit paano nakakacontribute ako sa paghubog sa kamalayan ng mga kabataan para magkaroon ng pakialam sa lipunang kanilang ginagalawan.

   
October 1st 2026
03:00:33 PM
Pangalan:  

Danleene

Lugar:  

Tameside

Mensahe:  

Hi po.

Nakilala kita dahil sa ex ko na pinakita sa akin ang dati mong website. Natapos man ang relasyon na iyon, pero hindi ang paghanga ko sa iyo. Kaso, naiwan ko sa Pilipinas ang koleksyon ko T_T at nasunog ang bahay ng magulang ko T__T.

Uuwi kami sa susunod na taon ng asawa ko. Sana may mabili akong kapalit. National Bookstore, Fully Booked at kahit pa Booksale kabahan na kayo. Charing.

   
October 1st 2026
01:59:32 PM
Pangalan:  

oodles

Lugar:  

Manila

Mensahe:  

Maswerte ako at mayroon akong tiyuhin na mahilig magbasa ng mga nakakatawang bagay (yun ang una kong impression sa mga libro ni Bob Ong. Political pala ito hehe. Oh, well. Comedy naman talaga politics natin) Una Kong libro ay ABNKKBSNPLAko. Na-hook ako agad.

Maswerte ulit ako at may mga kaklase ako ng hayskul na may kakayahan mangolekta ng libro ni Bob Ong. Mula sa Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino, Stainless Longanisa, McArthur, Kapitan Sino, Alamat ng Gubat at Mga Kaibigan ni Mama Susan.

Kahit pa paano ay nakatulong ang mga librong ito na imulat ang mga mata ko sa kung anong nangyayari sa Pilipinas. Sa likod ng mga nakakatawang mga salita ay may masasakit pa din na katotohanan.

Masaya ako na may comeback ka. Para sa new generation ng mga mambabasa.

   
October 1st 2026
11:24:32 AM
Pangalan:  

[SLP] KOKOY

Lugar:  

MENTALBAN RIZAL

Mensahe:  

Nagkalat dati sa library (sti marikina) namin ang greenbooks mo,yung iba may hiwalay na part. mas trip ko pang magbasa ng dyaryo at nat geo mags kesa books. habang nag papalipas ng oras for next subject life of rizal need basahinin katabi nun libro mo. binuklat ko sa gitna hanggang natapos ko so need ko umpisahan sa una. hanggang pinakalat namin sa section namin ung book mo until nag uunahan sila magbasa pati ibang class. after that kinolekta ko na libro mo ung iba di sinauli. dun ako nag kainteres magbasa ng libro madalasbiography at iba pa. sana damihan mo pa libro mo ng mag kainteres din nga new generation. mabuhay ka sir hanggang 100yrs old.

   
October 1st 2026
11:11:13 AM
Pangalan:  

Super Mangyan Na Pogi

Lugar:  

OKSIMIN (San Jose, Occidental Mindoro)

Mensahe:  

Ang Paboritong Libre ni Hudas - My Peyborit !

Taong 2006 ng una akong makahawak ng librong akda ni Bob Ong
Bagong gradweyt, bagong tanggap sa trabaho, fresh na fresh galing
sa probinsya ng Mindoro (OKSIMIN). Hindi ko na nga din maalala kung
kanino sa katrabaho ko ito nahiram at inilagay ko sa drawer ko sa opis.
Bilang isa sa ipinanganak ng 80\'s at nagkaisip ng 90\'s, swak na swak sa
panlasa ko ang istilo at bentang-benta sa akin ang kanyang mga joke na
halos sumasalamin din sa pag-iisip ng karamihan sa kaedaran namin.
Ngunit hindi lang mga jokes ang tumatak sa akin kundi ang mga malalalim
na kaisipan na idinaraan sa simpleng mga salita at mga hugot na pabiro.
Ito rin ang librong nagpasimula sa akin ng pagkolekta ng mga librong isinulat
ni Bob Ong.

Taong 2049 sa Libro ni Hudas - mayaman na ang Pinas, walang utang sa ibang
bansa, wala na si GMA sa pulitika at Si Marvin na ang Presidente. Nakakatawa
na nakakalungkot sa panahon natin ngayon na tila ba hanggang sa panulat na
lang natin makikita yung salitang \"mayaman na ang Pinas\" sa gitna ng mga
nangyayari sa ating bansa lalo na sa usaping pulitika. Sana nga nagkatotoo na
yung parusa sa mga tiwaling congressman na putulan ng kamay kapag
napatunayan eh ng magkaroon ng takot di tulad ngayon. Sir Bob kung dati si
Green lantern lang ang ginawa nilang African-American ngayon pati si Litte
Mermaid kasama na HAHAHA !

Maraming Salamat Sir Bob sa mga akda nakapagpapagaan sa mga tulad
namin. Sana bigyan ka ng magandang kalusugan araw-araw at malayo
sa mga sakit. Salamat sa hagikgik, tawa, takot at minsan luha na bigay ng
iyong libro sa amin. Magpalakas kang palaging ingatan ang iyong sarili.

-Isang Tagahanga Mula sa Probinsya ng mga Mangyan.

   
October 1st 2026
09:34:20 AM
Pangalan:  

エドワード

Lugar:  

Laguna

Mensahe:  

noong nasa highschool (taong 2011) palang ako ay nagbabasa na ako ng libro mo (ABNKKBSNPLAko?!) at paulit-ulit kong binabasa yun hanggang makatapos ako sa kolehiyo, sana ay makapagpublish ka ulit ng panibagong libro na magbibigay aral, saya, at kaliwanagan sa mga taong magbabasa. kudos!

   
October 1st 2026
08:49:10 AM
Pangalan:  

Rosemarie S. Pelaez

Lugar:  

Bacoor City

Mensahe:  

Ang dami na agad nag-comment. hehe Hi Sir Bob! Elementary pa lang ako binabasa ka na namin. 31 na ako ngayon, ikaw na mag-compute. Haha! Umikot dati iyong isang libro sa buong klase, pasa-pasa sa ilalim ng mesa. Kumusta ka? Kaya mo pa ba? hehe It\'s good to see you back. Dalasan mo naman maglabas ng libro, aba! Marami na kaming pambili ngayon, hindi na kailangang maghintay ng isang linggo baka makahiram sa mayamang kaklase. Anyway, maglabas ka rin ng merch, kasi nga marami na kaming pambili. Papayamanin ka namin na parang contractors. lol Bad joke yata, pero bad naman kasi ang government. mehehe

   
October 1st 2026
08:11:49 AM
Pangalan:  

Mimi S.

Lugar:  

Quezon City

Mensahe:  

Hello!!!!! ako po ay matagal nyo nang fan. HS days palang. Lahat ng libro na nabasa ko ay hiram lang at ngayon matanda na ako at may pera na, lahat sila nabili ko na!

Kasalukuyan kong binabasa ang \"Si\" at hndi ko mapigilang mamangha sa kwento at paraan ng pagsulat nito. Paborito ko ang MacArthur at Abnkkbsnplako. Isa ka sa dahilan bakit ako nahilig magbasa ng libro. Nawa\'y gumawa ka pa ng marami! <3

   
October 1st 2026
05:56:10 AM
Pangalan:  

Maverick

Lugar:  

Bulacan/Rizal

Mensahe:  

Book report



Year 2003, 2nd year high school ako nun and kailangan na gumawa ng book report, by partner daw para di mahirapan. Ka-partner ko si Daryl, tropa ko na seaman na ngayon. Nung panahong yun, nasa laylayan lang kami ng academic ladder, laman ng guidance at patawag ng magulang; pero mabait naman kami.


Book report na, so pipili kami ng libro na gagawan ng report. As usual, may mga Lualhati Bautista saka Ang Tondo Man May Langit Din. Pero etong si Daryl may dalang unsual na libro; ABNKKBSNPLKo?!. Sabi ko “pota ano yan?! Baka di tayo maapprove jan?!”. Sabi niya is nakita niya lang sa bahay nila yan, kesa bumili pa ng libro eh yan na lang. Pinaapprove muna namin, sabi ng teacher namin is baka puro kalokohan lang laman neto pero i-approve ko na; nakatipid kami ni Daryl.



Binasa ko yung libro, putangina hanggang ngayon naalala ko pa rin yung pakiramdam nung unang binasa ko yun. Yung pakiramdam na di ka nag iisa sa mga dinanas mo, mga nakakatawa o nakakaurat man na karanasan, na akala mo ikaw lang ang meron, di pala; merong isang tao na nauna pa sayo at may lakas ng loob na ibenta ito sa mga bata. Yung pakiramdam na may representative kayo sa hanay ng mga taong pinagaaralan ang mga sinulat; big deal na yun sa trese anyos na akala niya patapon na buhay niya.



Sa sobrang tuwa ko ay sinalo ko na yung book report. Sabi ko kay Daryl ako na bahala kasi alam ko na isasagot ko sa mga tanong. Medyo duda lang si gago pero napaniwala ko naman. Habang tinitingnan ko yung mga tanong, alam ko na mga sagot at alam ko na mataas grade namin pero di grade habol ko, gusto ko lang bigyan ng magandang husga yung libro dahil iniba nito persepsyon ko sa paligid ko.



Ayun pinasa na namin. Mga tatlong araw din kaming naghintay ni Daryl, sabi ko “Mahina 85% jan kaya wag magaalala. Saka galling sa puso yun, pag nabasa ni Ser Sonny yun matik pasado tayo, don\'t wori”.



Ayun, 75% lang nakuha namin.

   
October 1st 2026
05:13:36 AM
Private Entry.
Viewing restricted to Guestbook Owner.

October 1st 2026
01:36:51 AM
Pangalan:  

sam

Lugar:  

sa archives

Mensahe:  

Hello po! Sakto kabibili ko lang ng 56 tapos na feed ka kagad sakin ni almighty algorithm. Parang throwback lang.

   


  First
  Prev
  Sign
  Home
Next  
Last  
Viewing Page 1 of 5 (Total Entries: 96)


Powered by Bravenet